Pagbubukas ng Bataan nuclear plant, ikinabahala

MANILA, Philippines -  Nangangamba si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na muling buksan ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), dahil maaaring maging sanhi ng karag­dagang mga balakid sa mga benepisyo at kaligtasan ng mamamayan.

Sinabi ni Zarate, maraming mga isyu at problema ang maaaring mangyari sa mga taga- Bataan tulad nang problema sa kalusugan, kapaligiran, ekonomiya, nuclear contamination, pati na rin ang hindi malulutas na problema ng nuclear waste kailangan itong isaalang-alang sa pamamagitan ng ating  mga opisyal ng enerhiya bago natin dapat isipin ang pagbubukas ng BNPP.

“Furthermore, the issues of health risks and environmental damage from uranium mining, processing and transport, the risk of nuclear meltdown or sabotage, and the problem of radioactive nuclear waste cannot just be set aside or ignored,” sabi ni  Rep. Zarate, chairman ng House Committee on Natural Resources.

Ayon kay Dr. Giovanni Tapang, convenor ng NO TO BNPP Revival, sinabi niya ang International Atomic Energy Agency (IAEA) mismo ang nagsabi sa ginawang  pagsisiyasat “na ang BNPP ay nabigo ang mga kinakaila­ngan safety measures at ito ay  malapit sa Natib Volcano at lubhang malapit sa isang fault line,” sinabi Rep. Zarate.

Show comments