MANILA, Philippines – Dapat ikonsiderang mga bayani ang mga alagad ng batas, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano.
Kung dati ang mga katulad nina Lapu Lapu, Jose Rizal at Ninoy Aquino at Andres Bonifacio ang bayani ng bansa na lumaban sa mga mananakop, ngayong modernong panahon kung saan naglipana ang mga kriminal, masasamang loob, oligarchs, drug lords at korupsyon, malaki umano ang papel ng kapulisan para sa pananatili ng peace and order sa Pilipinas at Pangulo na tutugon sa ganitong hamon kaya naman marapat lamang na ituring silang modern day heroes.
Sa selebrasyon ng National Heroes Day ngayong araw, sinabi ni Sen Alan Cayetano na hindi madali ang laban kontra sa kriminalidad, terorista at droga kaya naman ang sinumang kakasa na maresolba ito ay dapat bigyang pagkilala tulad ng mga pulis.
‘Let us remember them as heroes, not as mere casualties: PO3 Jenny Agbayani, SPO3 Marlon Nicolas, PSINP Mark Gil Garcia, PO3 Nestor Dimaano, PSINP Orlando Guira, PO3 Jerson Autida, SPO3 Edmar Bumagat, PO2 Armand Villanueva Jupia, and SPO3 Limuel Mahaba Panligan, CPL Josel Miravalles, PFC Jaypee Duran, PO3 Dar Espallardo. Many don’t realize the sacrifices our law enforcers make until they themselves end up martyred in the line of duty and reported in the news,” ani Cayetano.
Maliban sa mga sundalo at pulis, nais ni Cayetano na bigyan ng kahalintulad na pagkilala ang mga OFWs, guro, nurses, magsasaka at mangingisda na hindi matatawaran ang dedikasyon sa kanilang trabaho.