^

Bansa

Sa Marcos burial sa ‘Libingan’: Desisyon ni Digong ‘di na mababali!

Rudy Andal at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na magbabago pa ang desisyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na payagang ilibing si da­ting Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng mga pagkilos ng mga grupong kontra dito.

Ayon kay Presidential Communcations Office Sec. Martin Andanar, buo na ang pasya ni Pangulong Duterte na payagang mahimlay sa Libingan ng mga Bayani si FM sa kabila ng kilos-protesta kahapon sa Luneta.

“The President has repeatedly said that he would allow any form of protest, like organizing mass actions against the FM (Ferdinand Marcos) burial at the LNMB (Libingan ng mga Bayani). This is consistent with his philosophy that criticism, good or bad, true or not, is part of the territory of governance in public,” ani Andanar.

Sa kabila nito, giit ni Andanar na nananatili ang paninindigan ng Pangulo na ilibing na ang mga labi ng dating Pangulo sa Libi­ngan ng mga Bayani.

“The President’s stance, however, remains firm: There is clarity in the regulations governing the late President Marcos burial. The President shall therefore remain.. (not distracted) and it shall be governance as usual with his full and undivided attention in winning the war against drugs, criminality and corruption,” dagdag ni Andanar.

Naunang inihayag ni Duterte na tinutupad lamang niya ang kanyang pangako noong kampanya para sa hero’s burial kay Marcos sa basehan na naging pangulo ang huli ng bansa.

May libong kontra-Marcos ang dumagsa sa Lapu-Lapu Shrine sa Luneta Park sa Maynila kahapon upang tuligsain ang paglilibing kay Marcos na itinakda sa susunod na buwan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with