^

Bansa

Martial law susuportahan ng mayorya - Palasyo

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang paniwala ng Malacañang na sakaling magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte kapag kinakaila­ngan, susuportahan ito ng mayoryang Pilipino.

Gayunman, nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na walang dapat ipag-alala ang taumbayan dahil malabo pang magdeklara ng martial law ang Pangulo.

Magugunita na iniha­yag mismo ni Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City na baka magdeklara siya ng martial law kung patuloy na haharangin ng Korte Suprema ang anti-drug campaign ng gobyerno at gagawa ng constitutional crisis si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Wika pa ni Panelo, sakaling magdeklara man ng batas militar ang Pangulo ay kakaibang martial law ito para hindi ito maabiso.

Sinabi rin ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na  hindi seryoso ang Pangulo nang sabihin nitong magdedeklara siya ng martial law.

Sa Senado, hindi rin sineryoso nina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Sonny Angara ang bantang martial law ng Pa­ngulo.

Ayon Lacson, dapat masanay na ang lahat sa “bullheadedness” at “antics” ni Duterte kabilang na ang banta nito na magdedeklara ng martial law.  Aniya, ang desisyon para sa pagdedeklara ng martial law ay hindi lamang nakasalalay sa kamay ng Pangulo dahil kinakailangan nito ang pagpayag ng Kongreso.

Giit ni Lacson, may limit din ang araw na maaaring ipatupad ang martial law at useless din kung idedeklara ito. Hindi rin siya sa babala ni Sereno na magdudulot ng Constitutional crisis ang ginagawang pagbubun­yag ni Duterte sa mga “narco judges”.

Naniniwala naman si Angara na hindi seryoso ang Pangulo sa naging banta nito lalo pa’t ipinaliwanag na ni Andanar na ‘rhetorical question’ lamang ang naging pahayag ng Pangulo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with