^

Bansa

Digong mag-sorry ka! – hirit ng mga mamamahayag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na humingi ng paumanhin si incoming President Rodrigo Duterte dahil sa ginawa nitong pahayag na kaya napapatay ang isang mamamahayag dahil sa pagiging korap at hindi ligtas ang mediamen sa asasinasyon.

Ito ang panawagan ng isang international media group at mga mamamahayag sa bansa matapos na hindi magustuhan ang birada ng incoming president kaugnay sa isyu ng media killings.

Kahapon, hinimok ng international media welfare and press freedom advocate na Reporters Without Boarders (RSF) ang mga mediamen na i-boycott  ang mga press conference ni Duterte hangga’t hindi siya humihingi ng “public apology”.

“Not only are these statements unworthy of a president but they could also be regarded as violations of the law on defamation or even the law on inciting hatred and violence,” ayon kay Benjamin Ismaïl ng RSF’s Asia-Pacific desk.

Hiniling ng RSF sa mediamen na magsampa din ng legal action laban kay Duterte dahil sa sinabi nitong corrupt at bias ang mga mediamen kaya pinapatay.

 “Duterte should nonetheless be pleased by the existence of these laws because without them he would also be exposed to violent repercussions, according to his own words. We urge organizations that represent the media to not overlook comments of this kind and to bring lawsuits. We also urge the media to boycott the Duterte administration’s news conferences until the media community gets a public apology,” dagdag ng RSF.

Kabilang sa mga puma­lag at nadismaya sa pahayag ni Duterte  ay ang Manila Overseas Press Club (MOPC), College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP), National Press Club (NPC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Dapat umanong dumaan sa tamang proseso ang sinumang isinasangkot sa katiwalian at hindi sagot ang pagpatay. Marami umanong mediamen na napapatay dahil sa pagsisiwalat ng katotohanan.

Ayon kay MOPC chairman Tony Lopez,  kung katiwalian ang basehan sa pagpatay ay baka kalahati ng nasa gobyerno ang mawawala. Iginiit  na mismong si Duterte na rin ang nagsabi na matindi ang korapsyon sa gobyerno.

Ang reaksyon ng iba’t ibang media group  ay kasunod sa sinabi ni Duterte na --”Just because you are a journalist, you are not exempted from assassination if you are a son of a bitch. Freedom of expression won’t save you. The Constitution cannot help you kapag binaboy mo ang isang tao.”

Hindi rin ito nagustuhan ni Human Rights Commissioner Karen Dumpit at sinabing ang pagpatay ay hindi solus­yon sa tiwaling mediaman. Dapat umanong umiral ang “due process” sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo sa korte.

Naalarma din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat, isa sa may akda ng Freedom of Information (FOI) bill sa Kamara sa pahayag ni Duterte dahil hindi lamang umano ito humihikayat sa sinuman na ilagay ang batas sa kanilang kamay kundi labagin ang batas sa maling kadahilanan. Nagdudulot din umano ito ng takot sa hanay ng mga mamamahayag at sisikil sa press freedom.

Aniya, ang paha­yag ni Duterte na korap ang mga napapatay na journalists ay sumira sa pa­ngalan ng may 176 mamamahayag na napatay mula pa noong 1986.

FREEGO CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with