^

Bansa

Gun ban violators tumaas sa 4,510-katao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit isang linggo bago magtapos ang pinaiiral na Comelec gun ban, lumobo na sa 4, 510-katao ang nasakote ng mga awtoridad sa patuloy na operasyon sa buong bansa kaugnay ng ginanap na May 9, 2016 national polls.

Ang gun ban na nag-umpisa kasabay ng election period noong Enero 10, 2016 ay tatagal hanggang Hunyo 8, 2016.

Sinabi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor, sa kabuuang 4, 510 na nasakote sa paglabag sa gun ban, 35 sa mga ito ay miyembro ng PNP.

Samantala, pinakamarami naman ang bilang ng mga sibilyan nasakote sa gun ban na nasa 4, 313.

Kabilang pa sa mga nasakote ay 21-sundalo, dalawang personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) at nasa 37 halal at opisyal ng pamahalaan.

Pumalo naman sa 57 ang bilang ng mga nahu­ling security guards, tatlong Cafgu, 10 miyembro ng iba pang law enforcement agency.

Umabot naman sa 22 nasakote mula sa mga grupong banta sa seguridad  at 10 naman mula sa mga private armed groups (PAGs).

Ayon pa kay Mayor, aabot sa 3,704 armas ang nasamsam.

Nasa 41,316 naman ang iba pang uri ng  mapanganib na mga armas na nakumpiska ng security forces at 39, 280 naman ang mga bala.

ALBERTO LIM JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with