Pres Rody ‘di matutulog sa Palasyo
MANILA, Philippines – Sa kabila ng pananatili ng mga nagdaang pangulo ng bansa sa Malacañang upang matutukan ang bansa, iginiit ni incoming President Rodrigo Duterte na hindi siya matutulog sa Palasyo bagkus ay uwian siya sa Davao.
Ayon kay Duterte, magsisimula ang kanyang opisina sa Malacanang mula ala-1 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi.
“My day will start at 1 p.m. everyday. Dire-diretso na ‘yan hanggang 12. May prejudice ako sa Malacañang. Tanungin n’yo si Imee Marcos, nag-usap kami, sabi niya talagang may multo doon, mga lima,” wika pa ng incoming president.
Dahil may multo nga daw sa Malacañang, ay mas gusto na lamang niyang mag-uwian sa Davao kaysa tumira at matulog sa Malacañang.
“I might go home in Davao everyday,” dagdag pa ni Duterte na iginiit na posibleng sa kanyang pag-uwi sa kanyang tahanan at tambak din ang mga papeles na kanyang babasahin bago lagdaan.
Nakagawian umano ng incoming president na basahin at pag-aralan muna ang isang dokumento bago niya lagdaan.
- Latest