^

Bansa

Death penalty palulusutin sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez na aamyendahan nila ang Konstitusyon para maibalik ang death penalty at maibaba ang edad ng mga mapaparusahang kabataan na gumagawa ng krimen.

Ayon kay Alvarez, dapat maibalik ang death pe­nalty upang manumbalik ang kapayapaan sa bansa kung saan sa bandang huli ay ang mga Pilipino rin ang makikinabang dito.

Bukod dito, aamyendahan din nila ang Pangilinan law kung saan ang mga menor-de-edad na sangkot sa krimen ay hindi maaaring kasuhan at ikulong kaya sila napapakawalan.

Paliwanag ni Alvarez, balak nilang ibalik ang orihinal na batas na naayon sa Revised Penal Code subalit rerebyuhin muna umano nito kung anong edad ang nakasaad dito na maaaring kasuhan at ikulong.

Ang hakbang ay bunsod sa reklamo ng mga awtoridad na ginagamit ng mga sindikato ang mga menor-de-edad sa paggawa ng krimen kaya hindi nakakasuhan at nakukulong ang mga ito.

ABOLITION

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with