Samal hostages nagpasaklolo kay Duterte

Sa panibagong video footage na ipinoste sa website, ang mga bihag na sina Maritess Flor, Pinay; ang Canadian na si Robert Hall at ang Norwegian  na si Kjartan Sekkingstad, ay makikitang nagmamakaawa para sa kanilang mga buhay.
Philstar.com

MANILA, Philippines – Maawa ka, rescue us!

Ito ang apela ng tatlong nalalabing Samal hostages sa Sulu kabilang ang dalawang dayuhan na hawak ng mga bandidong Abu Sayyaf kay incoming president Rodrigo Duterte.

Sa panibagong video footage na ipinoste sa website, ang mga bihag na sina Maritess Flor, Pinay; ang Canadian na si Robert Hall at ang Norwegian  na si Kjartan Sekkingstad, ay makikitang nagmamakaawa para sa kanilang mga buhay.

Binigyan sila ng mga abductors ng panibagong ultimatum ng hanggang Hunyo 13 ng alas-3 ng hapon upang ibigay ang hinihinging P 600 milyon ransom  at kung hindi ay pupugutan sila ng ulo.

Sa footage, tinukoy ni Sekkingstad ang isang alyas Jun na nais umano ng mga Abu Sayyaf na makipagnegosasyon sa kanilang grupo. Si Jun umano ay nasa Canadian Embassy.

“My name is Robert Hall. Mr. Duterte, I’m going to address my remarks to you. I would appreciate it if you can do what you can to get us out of here. It appears my government has abandoned me and my family in this endeavor,” pagmamakaawa ni Hall. “We’ve been here for eight months. I came to your beautiful country in good faith and in peace, and here I am,” dagdag pa nito.

“I’m Kjartan Sekkingstad.  I’m hostage in Sulu Island. I’d like to appeal to the Norwegian government, the Canadian government, the Filipino government, and President Duterte. Please try to help us,” ayon naman sa nagmamakaawa at takot na takot na si Sekkingstad.

“One of us has already been murdered. We hope that you can work on our behalf as soon as possible to get us out of here. Please, the sooner the better. We’re three-quarters dead right now. Thank you,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy ni Hall ay ang kasamahang si Canadian John Ridsdel na pinugutan ng ulo noong Abril 25 nang mabigong magbigay ng P 300 milyong ransom kapalit ng kanyang kala­yaan.

Show comments