MANILA, Philippines – Ipinangako ni mayorality candidate at kasalukuyan kinatawan ng 1st district ng Caloocan Recom Echiverri na magdadagdag siya ng mga kolehiyo para sa mga bagong tapos nang secondary level na mga mag-aaral sa kanilang siudad para hindi na lumayo pa sa kanila lugar at hindi na rin mamamasahe ang mga ito oras na makapasok sila sa mga bagong unibersidad na balak niyang ipapatayo nito sa lungsod oras na mahalal siyang alkalde sa May 9.
Sinabi ni Echiverri, na nararamdaman niya ang hirap ng isang magulang para itaguyod ang pagpapa-aaral sa kanilang mga anak at ang mga gastos nila dahil halos matuliro sila kung saan nila kukunin ang pera kaya naman ipinangako niya sa kanyang sarili na daragdagan niya ang kolehiyo sa kanilang lugar para tulungan ang kanyang mga mahihirap na kababayan dahil sa pamamagitan ng tamang edukasyon lamang makakaahon ang isang mahirap sa kanyang paghihikahos sa buhay.
Napagtanto ni Echiverri na dumarami ang mga ‘out of school youth’ sa kanilang siudad kaya naman target niya ang mga ito na patapusin ng pag-aaral at tulungan makakuha ng mga trabaho para sila naman ang makatulong sa kanilang pamilya.
Sabi ni Echiverri, tutulungan niyang itaas ang antas o kalidad ng pagtuturo sa mga eskuelahan para naman hindi basta estudiante ang magtatapos sa mga ipapagawa nitong mga eskuelahan sa Caloocan kundi isang matalino, magaling at maasahang mag-aaral.
‘Marami akong plano at ginawa sa Caloocan pero hindi ito agad naipatupad dahil natapos ang 9 years term ko bilang alkalde kaya sa aking pagbabalik at oras na manalo ako sa halalan ibabalik ko ang ‘sigla’ sa Lungsod tulad ng mga ginawa ko noong ako pa ang punong-bayan dito.’ sabi ni Echiverri.