Ilocanos nilaglag si Marcos, sinuportahan si Robredo
MANILA, Philippines – “Never again to the Marcoses!”
Nagsanib puwersa ang mga Ilocano mula sa iba’t ibang sektor upang batikusin ang nangyari noong panahon ng diktaduryang Marcos at magkaisang suportahan ang kandidatura ni LP vice presidential bet Leni Robredo.
Kilala bilang “Ilocanos for Leni”, nanawagan ang grupo sa mga kapwa Ilocano na isantabi muna ang pinagmulang rehiyon at iboto si Robredo, na inilarawan nila bilang sinsero sa pagnanais na makapaglingkod sa taumbayan.
“Let us transcend our regional loyalties and vote for the most deserving candidate – one who is sincere in her desire to serve the people, honest, one who is diligent and hardworking, and one who is untarnished with the slightest hint of corruption,” nakasaad sa pahayag ng grupo.
Iginiit ng grupo na mahalaga ang darating na eleksiyon para sa bansa kaya hindi dapat hayaan ng mga botante na malinlang sa pagtatangkang ilarawan ang Martial Law bilang Golden Age ng bansa.
“Nothing is farther from the truth. Under the Marcoses and martial rule, the Philippines, once second only to Japan in Asia, became an economic basket case,” saad ng grupo.
Ayon pa sa grupo, malaki na ang iniangat ng bansa, lalo na sa ekonomiya, ngunit ito’y masasayang lang kapag ibinalik ang isang Marcos sa kapangyarihan.
- Latest