^

Bansa

Romualdez sa next President Pinas dapat ihanda sa kalamidad

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat gumalaw ang susunod na Pangulo para ihanda ang bansa sa mga dagok sa ekonomiya at mga natural na kalamidad, ayon kay senatorial candidate Martin Romualdez.

Nanawagan si Romualdez, dahil sa ulat ng Philippine Institute for Development Studies na ang pamahalaan umano ay nabigo na magpatupad ng tamang patakaran at kinulang din sa pondo para ihanda ang bansa sa mga adverse impacts ng sama-samang kalamidad.

“I concur with the view that we should accelerate efforts to enhance our abi­lity to cope with both natural disasters and economic crisis,” sabi ni Romualdez. 

“We owe it to our people, particularly those living in poverty, that they are shielded from the negative impact of disasters, whe­ther natural or manmade,” dagdag pa niya.

Nasasaad rin sa si­na­bing 2014 World Risk Report na ang Pilipinas ay pang-tatlo sa buong mundo pagdating sa ‘vulnerability to economic shocks and natural hazards.’ 

Binanggit rin ng ulat na ang Pilipinas ay pangalawa sa mundo pagdating sa risks, gaya ng exposure nito sa climate change at global warming.

Ayon kay Romualdez, siya anya ay naghain na ng panukalang batas para magkaroon ng hiwalay na departamento para sa disaster preparedness at emergency response upang pabilisin ang res­ponde ng pamahalaan kapag may kalamidad.

Ang lider ng Independent Minority Bloc sa Congress na si Romualdez ay naghain rin ng isa pang panukalang batas na nauukol sa Conditional-Cash Transfer (CCT), o tinata­wag na Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps), na layon niyang palawakin ang sakop.

Ang CCT na nagsimula noong 2008 ay naglalaan ng buwanang allowance sa mga mahihirap na pamilya, basta pag-aaralin lang nila ang mga bata, at huwag kaligtaang bumisita sa mga health centers at dadalo rin sa mga family-development sessions.

Mula nang magsi­mula ang programa, ang bilang ng CCT partner-beneficiaries ay lumaki mula 340,000 hanggang 4.4 million sa katapusan ng nakaraang taon.

Si Romualdez ay tumatakbo sa pagka-senador at ang plataporma niyang compassionate governance ay nakatuon sa job creation, health, education at disaster resilience. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with