Survey sa Gapo nadomina ng mga re-electionist
MANILA, Philippines – Nagdaos ng survey ang grupong The Active Youth of Olongapo (TAYO) sa mga tatakbong councilors ng lungsod ng Olongapo kung saan ay kapansin pansin na nadomina ng mga re-eleksyonistang konsehal ang karamihan ng puwesto.
Nanguna si Benjamin Gregorio Cajudo na sinundan nina Alruela Ortiz, Sarah Lugerna Lipumano, Noel Atienza, Yvette Marzan-Estrella at Eduardo Guererro, nasa ika pitong puwesto naman ang Independent Candidate at Reporter na si Jojo Perez, nakopo naman ng magkamag anak na Jerome Michael at Emerito Bacay ang pang 8 at 9 na upuan habang kumapit sa panghuling puwesto si Eduardo Piano.
Taglay ni Erma Manalang ang pang labing isang upuan na sinundan ni Edna Elane, sumadsad naman ang mga tumatakbong kapitan ng barangay na sina Basilio Palo, Filipina Tablan at Jose Tomas Madria sa pang 13,14 at 15 na puwesto ayon sa pagkakasunod sunod.
Isinagawa ang survey ng grupong TAYO mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 26 gamit ang tanong sa may 1,000 respondents na.
- Latest