^

Bansa

Abaya magbigti ka na! - Osmeña

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat umanong magbigti na lamang o ibitin ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Jun Abaya ang kanyang sarili dahil sa kahihiyan. 

Ayon kay Sen. Serge Osmeña, chairman ng Senate Committee on Public Services, mala­king kahihiyan sa panig ni Abaya ang mga na­ging kapabayaan at kapalpa­kan nito sa pagtugon sa mga problema sa MRT.

Kasabay nito, ipinagtanggol ni Osmeña ang draft report ng public services subcommittee na nagrerekomendang kasuhan ng graft si Abaya at iba pang opisyal ng DOTC.

Pinanindigan ni Osmena na makatotohanan ang detalye na nakaloob sa subcommittee report lalo na ang mga paghihirap at miserableng kondisyon ng mga sumasakay sa MRT.

Wala din aniyang kwestiyon pagdating sa gross mismanagement ng DOTC at sa ulat na nakapanlulumo ang kondisyon ng MRT sa ating bansa.

Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na dapat ma­nagot si Abaya si kanyang mga naging kapabayaan at kabiguang hawakan ng maayos ang mga isyu ng MRT.

Una rito sinabi ni Abaya na hindi siya natitinag sa rekomendasyong kasuhan siya ng graft pero nababahala daw siya dahil mas pinagtiwalaan umano ni Poe si MRT Holdings Inc. Chairman Robert Sobrepeña na maraming mga di natupad na mga obligasyon sa mga pinasok nitong negosyo.

ABAYA

ACIRC

ANG

ATILDE

CHAIRMAN ROBERT SOBREPE

GRACE POE

HOLDINGS INC

MGA

NBSP

PUBLIC SERVICES

SECRETARY JUN ABAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with