^

Bansa

Pia exempted na sa tax

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na ma-exempt si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagbabayad ng buwis para sa mga napanalunan nito sa pageant.

Ang House Bill 6367 ay inihain ni Cagayan de Oro Cong. Rufus Rodriguez kung saan unanimous ang naging botohan sa pag-apruba sa panukala.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ng kinatawan ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) na sisiguru­hin nilang walang mangyayaring double taxation kay Wurtzbach kung isusumite nito ang mga dokumentong magpapatunay na nagbayad na ito ng buwis sa Amerika.

Dahil salig  na rin ito sa tax treaty na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika. Ilan sa mga maaaring patawan ng tax kay Wurtzbach ay ang korona nito na nagkakahalaga ng US$300 thousand o katumbas ng P1.5 milyon, at iba pa. 

Una ng napaulat na aabot sa humigit kumulang P4.5 milyon umano ang kokolektahing tax ng BIR kay Wurtzbach.

Si Wurtzbach ay bumisita kahapon sa Kamara kung saan ginawaran ito ng congressional medal of distinction sa plenaryo.   

ACIRC

AMERIKA

ANG HOUSE BILL

BUREAU OF INTERNAL RE

HOUSE COMMITTEE

MISS UNIVERSE

NBSP

ORO CONG

PIA WURTZBACH

RUFUS RODRIGUEZ

WURTZBACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with