Kagitingan reef tumanggap na ng mga bisita
MANILA, Philippines —Sa kabila ng protesta ng Pilipinas ay binuksan na ng China sa kanilang mga bisita ang Kagitingan Reef (Fiery Cross) sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Sa ulat ng Chinese online news agency Sina, dumating ang mga asawa at anak ng garrison soldiers at officers sa bagong gawang paliparan sa man-made island nitong Enero 15.
Kabilang ang Fiery Cross Reef o Yongshu island sa Spratly Group of Islands na ginagawan ng malawakang reclamation activities ng China.
Nitong mga nakaraang linggo ay nagsasagawa ng test flights ang China sa bagong gawang paliparan na mariing tinutulan ng Pilipinas.
Nauna nang sinabi ng China na ayaw nilang patulan ang protesta ng Pilipinas na umano’y may lihim na motibo.
- Latest