Apat na serye ng pagyanig, naitala ng Phivolcs

MANILA, Philippines – Nakapagtala kahapon ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs)  ng apat na magkakasunod na pag­yanig.

Ang unang paglindol ay naitala sa lakas na 2.7 magnitude ganap na alas- 6:29 ng umaga sa may 023 kilometro timog kanluran ng Santa Cruz, Zambales.

Alas-10:36 ng umaga ay naitala ang 3.4 magnitude na lindol sa may 021 kilometro hilagang kanluran ng Sipalay Negros Occidental at ganap na alas 11:23 ng umaga ay naitala ang 3.1 magnitude na lindol sa may 002 kilometro hilagang kanluran ng Burgos Surigao del Sur.

Ganap na alas -11:53 ng umaga kahapon ay naitala ang 2.9 magnitude na lindol 005 kilometro timog silangan ng Lagawe Ifugao.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng naturang mga lindol. Wala namang naitalang damage sa mga tao at mga ari-arian ang naturang mga pagyanig.

 

Show comments