^

Bansa

PAGs lansagin bago eleksyon – Gatchalian

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Natio­nalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na agad lansagin ang private armed groups bago ang campaign pe­riod sa susunod na buwan. 

Ito ay dahil sa ang mga armadong grupo umano ay siyang kilalang pinagsisimulan ng election related violence kaya napapanahon na para kumilos ang mga awtoridad at tugisin ang mga ito. 

Nanindigan din si Gatchalian na ito na ang tamang panahon para sa DILG at PNP na sabay  kumilos bago magsimula ang 90 day campaign period sa Pebrero 9 na maituturing umanong isang challenging na trabaho para na rin sa kaligtasan ng publiko at ng mga kandidato.

Bagamat nagsimula na umano ang PNP ng kanilang operasyon noong Enero 10 para sa pagsisimula ng election period base na rin sa deklarasyon ng Commission on Election (Comelec), dapat pa rin magtatag ang otoridad ng isang task group para sa paghabol sa Private Armed Groups (PAGs).

Aabot naman sa 71 PAGs ang kasalukuyan umanong minomonitor ng PNP base sa pahayag ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento noong Oktubre subalit nitong nakaraang buwan ay umabot na ito sa 76 ayon naman sa PNP.

“Concerned agencies have been inconsistent as to the number of PAGs. Former Defense Sec. Norberto Gonzales said in 2009 that the number of PAGs is 132, in November 2010 ex-PNP Dir. Gen. Jesus Versoza said there are 68, in March 2012 President Aquino said there are 86, and in October of the same year then-PNP spokesman Generoso Cerbo, Jr. said there are 250,” paliwanag ni Gatchalian.

ACIRC

ANG

CONGRESSMAN WIN GATCHALIAN

FORMER DEFENSE SEC

GATCHALIAN

GENEROSO CERBO

JESUS VERSOZA

NORBERTO GONZALES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with