Komento sa apela ni Poe, pirmado ng 7 commissioner

MANILA, Philippines – Pirmado ng pitong commissioners ng Commission on Elections (Comelec) ang second comment na kanilang isinumite sa Korte Suprema kaugnay sa apela ni Sen. Grace Poe   sa kanselasyon ng kanyang  certificate of candidacy.

Ayon kay Comelec Spokesperson  Atty. James Jimenez, nagkaroon ng  pagkakataon na mag-comment ang mga commissioners.

Ang pagkakapirma ng  pitong commissioner ay nangangahulugan lamang na desisyon iyon ng  en banc.

Samantala, hindi na­man nadesisyunan ng  Comelec en banc  kung  idedeklarang  unauthorized ang isinumite comment ni  Guanzon noong nakaraang linggo sa SC. Hindi pa umano  malinaw kung ano ang treatment ng en banc.

 

Show comments