Solons mimitingin ni PNoy sa BBL

DAVAO CITY, Philippines – Muling pupulungin ni Pangulong Aquino ang mga kongresista sa susunod na linggo upang maipasa na ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law.

“May meeting kami, if I’m not mistaken, next week with the House of Representatives precisely to push for the passage of the BBL,” ayon sa Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng 300 megawatt base load power plant dito.

Magugunita na pinulong ni PNoy noong Disyembre ang mga kongresista sa Malacañang upang pakiusapan na aprubahan na ang BBL.

“Si Congressman Rufus Rodriguez tells me na patapos na sila doon sa tinatawag na stage ‘turno en contra’ at pagkatapos ‘non pagbobotohan na. So maganda pa rin ang pag-asa na maipasa ‘yung BBL,” paliwanag pa ng Pangulo.

Show comments