Withdrawal ng COC ‘di na papayagan
MANILA, Philippines – Isinusulong ni Bataan Rep. Herminia Roman ang isang panukalang batas na nagbabawal sa withdrawal ng Certificate of Candidacy (COC) bilang ground for substitution ng isang kandidato.
Sa House Bill 6308 ni Roman, nais nitong amyendahan ang Omnibus Election Code of the Philippines.
Ayon kay Roman, bagama’t epektibo pa ang maraming probisyon ng batas para masiguro ang pagiging sagrado ng ating electoral system, ilan umano sa mga ito ang hindi na.
Sa halip ay nagagamit pa umano ng ilang kandidato para paikutan ang Commission on Elections (Comelec) sa deadline ng filing ng COC.
Karaniwan din umano na nagagamit ito ng mga incumbent appointive public official na gustong kumandidato subalit ayaw pang bumitiw kaagad sa hinahawakang pwesto.
Dahil dito kaya hinahayaan ang ibang tao na magfile ng COC at saka iwi-withdraw ito kung saan pinapayagan ang substitution ng kandidato.
Sa panukala ni Roman, patuloy namang papayagan ang substitution sakaling mamamatay ang isang kandidato o madidiskwalipika.
- Latest