^

Bansa

PNoy pinakapinagkakatiwalaang government official

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Pangulong Benigno Aquino III ang most trusted at approved top government official, ayon sa Pulse Asia survey.

Nakakuha ng 55 percent si Aquino bilang most approved, mas mataas ng isang puntos kumpara sa grado niya noong Setyembre 2015, habang 53 percent naman sa pinakapinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.

Samantala, tumaas din ang approval rating ni Bise Presidente Jejomar Binay sa 52 percent nitong Disyembre kumpara sa 43 percent niya ng nakaraan.

Bumuti rin ang trust rating ni Binay ng 10 puntos sa 49 percent mula 39 percent.

Nabigyan naman si Senate President Franklin Drilon 51 percent approval rating sa fourth quarter ng 2015, habang 47 percent pa rin ang trust rating niya.

Hindi naman gumalaw ang approval rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa 29, ngunit bumaba naman ang  trust rating niya sa 25 percent.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 4 hanggang 11 kung saan 1,800 respondents ang kinailangan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

ANG

AQUINO

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

BUMUTI

DISYEMBRE

DRILON

PERCENT

PULSE ASIA

SI PANGULONG BENIGNO AQUINO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with