Gun ban simula sa Enero 10
MANILA, Philippines – Simula Enero 10 ay suspendido ang lahat ng permit to carry ng mga armas sa bansa sa pagpapatupad ng gun ban.
Bahagi ang gun ban ng pagtitiyak ng mapayapang eleksyon sa Mayo, kung saan maglalagay rin ang Philippine National Police ng checkpoints sa mga “critical areas.”
“This early, we face the challenge of ensuring peace and order in the forthcoming May national and local elections," wika ni PNP Director General Ricardo Marquez .
Nais ni Marquez na malampasan ng PNP ang kanilang nagawa noong 2010 at 2013 elections.
Ilan sa tututukan ng mga awtoridad ay ang mga private armed group na malaki ang tsansang lumabag sa gun ban.
Huhulihin ang sinumang makikitaang ng armas simula Enero 10.
Samantala, anim na election hotspots ang pagtutuunan din ng pansin ng PNP.
Ito ang mga lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao at Lanao del Sur.
- Latest