Trapik sa Metro Manila lumalala
MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na hinahanapan nito ng solusyon ang problema sa trapiko sa Metro Manila sa nalalabing 6 na buwan ng Aquino administration.
Ito ang naging reaksyon ng Palasyo sa pahayag ng American Chamber of Commerce of the Philippines kaugnay sa lalong paglala ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, determinado ang gobyerno na mabigyan ng mabilis na solusyon ang problema sa trapiko sa MM.
Aniya, inaprubahan na ng Pangulong Aquino ang rekomendasyon ng NEDA board na magpatupad ng Mega Manila dream plan na magiging solusyon sa trapiko.
Nakapaloob sa nasabing dream plan ang mga rekomendasyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA) tulad ng pagpapaalis sa mga pamilyang nakatira sa mapanganib na lugar at pagtanggal sa mga nakahambalang na structure sa kalsada.
Nakasaad sa Dream Plan o Roadmap na batay sa mga rekomendasyon ng JICA ang mga sumusunod: 1) No traffic congestion; 2) No households living in hazardous conditions; 3) No barriers for seamless mobility; 4) No excessive cost burden for low income groups; at 5) No air pollution,” paliwanag pa ni Coloma.
- Latest