Maingat na driver ang kailangan ng Pinas – Tolentino

Sinabi ni dating MMDA chairman at safety expert Atty. Tolentino, makakaiwas sa mga aksidente kung ang kukuning driver ng mga pampsaherong bus ay maiingat lamang magmaneho at dapat may kapalit sa pagmamaneho kapag long drive. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Iginiit ni independent senatorial aspirant Francis Tolentino na dapat maiingat na driver lamang ang pinapayagang magmaneho ng mga pampasaherong bus upang makaiwas sa aksidente tulad ng nangyari sa Raymund Bus sa Sariaya, Quezon.

Sinabi ni dating MMDA chairman at safety expert Atty. Tolentino, makakaiwas sa mga aksidente kung ang kukuning driver ng mga pampsaherong bus ay maiingat lamang magmaneho at dapat may kapalit sa pagmamaneho kapag long drive.

Noong Sabado ay inararo ng Raymond Bus ang Kabayan restaurant sa Sariaya, Quezon kung saan ay nasawi si Jessica Estimo habang 41 katao ang nasaktan.

Aniya, dapat lamang bigyan ng prangkisa ang mga bus kung pumasa sila sa safety procedures na dapat ginagawa weekly lalo kapag peak season tulad ng Kapaskuhan.

“Who will pay for the bills? I assume the bus company will. But how about the time? They returned early so that they can be with their loved one. How about those going to work? I appeal to Raymond Bus to pay for the days that they will be absent from work as they need time to heal. Damages should be paid to the victims especially to the family of the person who died. Safety never comes with a price. Accidents does not happen if one practices safety,” dagdag pa ni Tolentino.

Show comments