^

Bansa

Rep. Villar sa PNP: Batas vs paputok istriktong ipatupad!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang Philippine National Police (PNP) para sa istriktong implementasyon ng RA 7138 o ang  batas kontra paputok.

Ayon kay Villar, chairman ng House Committee on Trade and Industry, patuloy pa ring nagkalat sa pamilihan ang mga delikado at iligal na paputok kahit na mahigpit itong ipinagbabawal ng mga otoridad.

Iginiit ng kongresista na kailangang masiguro na nasusunod ang batas sa distribusyon, paggawa at pagbebenta ng mga firecrackers at iba pang pyrotechnic devices upang makaiwas sa disgrasya.

Bukod dito pinag-iingat din ng kongresista ang publiko sa pagbili ng mga iligal at smuggled fireworks na makikita sa ilang tindahan at dapat na tiyakin na ang bibilhing paputok ay may sertipikasyon at marka mula sa Bureau of Product Standards (BPS).

Kung walang markang makikita sa mga ibinebentang paputok ay nangangahulugang hindi ito nakapasa sa requirements at standards na hinihingi ng PNP.

Bago din umano bilhin ang paputok ay dapat na tiyakin na hindi ito substandard at may permit ang nagbebenta.

Ang mga paputok na hihigit sa .02 grams o 1/3 teaspoon ng firework o gunpowder ay ipinagbabawal na kaya mahigpit ang bilin ng mga otoridad na huwag tangkilikin ang mga papu­tok tulad ng Atomic Big, Trianggulo, Super Lolo, Giant Whistle Bomb at iba pa. 

ANG

ATOMIC BIG

BUREAU OF PRODUCT STANDARDS

GIANT WHISTLE BOMB

HOUSE COMMITTEE

LAS PI

MARK VILLAR

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SUPER LOLO

TRADE AND INDUSTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with