Tolentino kay PNoy: ‘I value our friendship’

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senatorial candidate Francis Tolentino na maganda pa rin ang relasyon nito kay Pangulong  Aquino sa kabila ng pag-alis nito sa Liberal Party.

“President Aquino is a good friend and I continue to value his friendship and will always be supportive of him even outside the fringes of politics,” pahayag ni Tolentino nang tanungin kaugnay sa relasyon sa Pangulo.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Tolentino kaugnay sa pakikipagkaibigan kay PNoy matapos iwanan ang administration party. ?Matatandaang hiniling mismo ni Tolentino sa LP na alisin siya sa Senate slate.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey pumasok si Tolentino sa ika-14 na pwesto.

“It’s all about hardwork. At the end of the day, we will all be measured by our deeds. Good deeds, of course,” saad ni Tolentino.

Kung mahalal, na­ngako si Tolentino na gagawa ng mga batas kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan, public safety at palakasin ang mga batas sa disaster preparedness.

 

Show comments