Walang ISIS camp sa Pinas – Palasyo
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang ngayong Martes na walang trainingcamp ang international terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa bansa.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na mali ang kumalat na balita na nakapasok na sa bansa ang ISIS at dito nagsasagawa ng pagsasanay.
"What ISIS-linked personalities have done is to try to link-up with local jihadist/terrorist groups," paliwanag ni Coloma.
Sa ulat ng Mail Online ay nakasaad na mayroong training camp ang ISIS sa bansa, kung saan may kasama itong larawan at video.
"Some of these ISIS-linked personalities, who are really few in number, have also sought refuge in the base areas of these local terrorist groups," dagdag ni Coloma.
Nauna nang sinabi ni Coloma na patuloy ang kanilang pagsasaliksik kung nakakapasok na nga ba sa Pilipinas ang ISIS.
"Validation of information gathered thus far has produced no basis to confirm such reports. The intelligence community continues to monitor threats to ensure proper response by the security forces," ani Coloma.
- Latest