^

Bansa

5 kaso sa Ombudsman vs BI chief pinasisiyasat ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa sa Ombudsman laban kay Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Sa liham na ipinadala ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Menardo Guevarra kay Justice Secretary Alfredo Benjmain Caguioa  kamakailan ay hiniling na siyasatin nito ang limang kasong inihain sa Ombudsman laban kay Mison at isumite sa kanya ang rekomendasyon hinggil dito.

Kalakip ng sulat ni Guevarra kay Caguioa ang record ng mga kaso ni Mison sa anti-graft body gaya nang inihain nina Atty. Vicente, Uncad, Ricardo Cabochan, Maria Rhodora Abrazaldo at Atty. Faizal Hussin.

Sinabi naman ni Communications Secretary Sonny Coloma na aantabayanan ng Palasyo ang magiging pahayag ni Caguioa hinggil sa kahilingan ni Guevarra.

Idinagdag pa niya na ang hakbang ni Guevarra ay bahagi ng nakasaad sa Administrative Code na nagpapadala ng kahilingan ang Tanggapan ng Pangulo sa pinuno ng isang tanggapan sa ilalim ng ehekutibo.

Kaya’t sa naturang usapin ay bahala na si Caguioa na magpasya kung anong aksyon ang isasagawa laban kay Mison.

ADMINISTRATIVE CODE

ANG

CAGUIOA

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY

FAIZAL HUSSIN

GUEVARRA

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED MISON

JUSTICE SECRETARY ALFREDO BENJMAIN CAGUIOA

MISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with