MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon ay nanguna si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa presidential survey ng isang paaralan.
Sa isinagawang survey ng The Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng University of Santo Tomas (UST), nakakuha ng 66 percent si Santiago.
Tanging si Santiago lamang ang nakakuha ng double-digit na score, habang sina Liberal Party standard bearer Manuel “Mar” Roxas II at Sen. Grace Poe ay nakakuha lamang ng 8 at 5 percent.
Tatlong porsiyento lamang ang nakuha ni Binay sa survey na isinagawa noong Oktubre 26 hanggang Disyembre 10.
Nangailangan ng 1,366 respondents ang Varsitarian na pinili sa pamamagitan ng cluster sampling method.
Bukod sa UST ay nanguna rin si Santiago sa Polytechnic University of the Philippines at University of the Philippines Los Baños.
“Clearly, students know that the presidency is no place for the weak-minded, the inexperienced, or the corrupt. It appears that they give weight to my criteria for leaders: academic excellence, professional achievement, and sincerity,” pahayag ni Santiago.