Signal no.1 sa 11 lugar kay 'Onyok,' 'Nona' LPA na lang
MANILA, Philippines – Nagbabanta sa Caraga region ang bagyong “Onyok” na napanatili ang lakas, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 625 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng pang-15 bagyo ngayong taon ang lakas na 55 kilometers per hour habang gumagalaw pakanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahang bukas ng tatama sa kalupaan ng Caraga si Onyok bago tumbukin ang Katipunan, Zamboanga del Norte sa Sabado.
Nakataas ang public storm warning signal no.1 sa mga sumusunod na lugar:
- Surigao del Sur kabilang ang Siargao Island
- Surigao del Norte
- Dinagat Province
- Misamis Oriental
- Camiguin
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Davao Oriental
- Davao del Norte
- Compostela Valley
- Bukidnon
Samantala, patuloy ang paghina ng naunang bagyong “Nona” na ngayon ay isang low pressure area na lamang.
Limang beses tumama sa kalupaan si Nona na nanalasa sa Mimaropa at Bicol region.
Tinatayang aabot sa P320 milyon ang halaga ng pinsala ni Nona sa agrikultura at impastraktura.
- Latest