MANILA, Philippines – Bumagsak sa 32 percent ang net satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa huling quarter ng 2015, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Siyam na puntos ang natapyas sa dating 41 percent (64 percent satisfied minus 22 percent dissatisfied) rating ni Aquino noong Setyembre.
Sa kabila ng pagbaba ng grado ay nananatili pa rin itong “good” (+30 to + 49) sa SWS terminology.
BASAHIN: Sotto, Lacson nanguna sa Pulse Asia senatorial survey
Pinakamataas ang grado ni Aquino sa Visayas, kung saan 73 percent ang nagsabing nasiyahan sila sa trabaho ni Aquino.
Nakakuha naman ng 55 percent sa Luzon ang Pangulo, habang 52 percent sa nalalabing bahagi ng Luzon at 58 percent sa Mindanao,
Isinagawa ang survey nitong Disyembre 5 hanggang 8, kung saan 1,200 respondents ang tinanong.