Desisyon sa MR ni Poe, paghihiwalayin ng en banc
MANILA, Philippines – Paghihiwalayin ng Commission on Elections ang desisyon sa apela ni Sen. Grace Poe na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo sa first at second division.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, mayroon na lamang hanggang ngayon ang kampo ni Poe para maghain ng motion for reconsideration laban sa desisyon ng first division.
Paliwanag ni Bautista, hindi naman mandatory o obligado na pagsamahin ang dalawang kaso.
Nais sana niyang maisalang sa pagdinig sa En Banc ang kaso ni Poe dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makalahok sa oral argument ng dalawang division.
Pero bilang pagsasaalang-alang sa panahon, ibabatay na lamang niya ang kanyang desisyon sa mga naihaing dokumento.
Bukas, nakatakda muling isalang sa special en banc session ng Comelec ang MR ni Poe matapos mabigo ang mga miyembro ng en banc na pagbotohan ang kaso kahapon.
Samantala, no show naman sa pagdinig ng Comelec First Division ang broadcaster na si Ruben Castor na kumukwestiyon sa ligalidad ng substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pambato ng PDP-Laban sa pagkapangulo sa halalan 2016.
Kahapon sana ang marking of evidence” para sa pagdinig ngayon, subalit hindi na ito nangyari makaraang hilingin ng abogado ni Duterte na ibasura na ang reklamo.
Ayon kay Atty. Vitallano Aguirre, legal counsel ni Duterte, nakasaad sa mismong notice o summon na ipinadala ng Comelec para sa pagdinig na kapag nabigo ang petitioner na makasipot ay pwedeng batayan ito para idismis ang reklamo.
Dahil dyan hindi na matutuloy ang hearing ngayon at sa halip ay submitted na for decision ang petisyon.
Hihintayin na lamang ang magiging pasya ng Comelec hinggil dito.
- Latest