^

Bansa

1 patay kay ‘Nona’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki ngayong Martes matapos mahiwa ng bumaklas na yero dahil sa pananalasa ng bagyong “Nona.”

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang biktimang si Pascual Ausente, 31, ng Allen, Northern Samar.

Multiple lacerated wounds ang ikinasawi ni Ausente matapos tamaan ng bumakalas na yero dahil sa lakas ng hangin ng pang-14 na bagyo ngayong taon.

Naka limang beses nang tumama sa kalupaan ang bagyo, kung saan ang huli nito ay sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Nakataas ang public storm warning signal no. 3 sa Calamian group of Islands, Oriental at Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, ayon sa update ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga.

Signal no. 2 naman sa Marinduque Romblon, at Batangas, habang signal no.1 sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Burias Island, at Northern Palawan, Aklan at Antique.

 

ANG

BURIAS ISLAND

LUBANG ISLAND

MARINDUQUE ROMBLON

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN PALAWAN

NORTHERN SAMAR

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

PASCUAL AUSENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with