‘Digong’ hindi pa presidential candidate – Comelec
MANILA, Philippines – Hindi pa rin itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na opisyal nang kandidato si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kabila ng paghahain nito ng kanyang certificate of candidacy (COC) kamakalawa.
Nauna nang naghain ng kanyang COC si Duterte noong Nobyembre 27 sa pamamagitan ng kanyang representante na si Atty. Salvador Medialdea. Ayon kay Comelec Chair Andres Bautista, sinabi nito na pag-uusapan pa sa en banc meeting ang kaso ni Duterte lalo pa’t may nakasampa ding kaso laban naman sa substitution ni Duterte kay Martin Diño.
Nagsampa ng petisyon noong Nobyembre 27 ang brodkaster na si Ruben Castor para ideklarang null at void ang COC ni Diño. Ani Bautista, kaagad nilang niraffle ito at nabunot ang first division na didinig sa kaso. Kailangan aniyang maging maayos at masusi ang pagdinig upang maging patas sa lahat.
Pero hangga’t hindi pa natatapos ang pagdinig sa kaso at natatanggap ng Comelec ang substitution, aniya hindi pa rin maituturing na opisyal na kandidato si Duterte.
- Latest