2016 polls tuloy – Malacañang

“It is in the interest of all parties that elections push through,” paliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang hingan ng pananaw sa No Election scenario. File photo

MANILA, Philippines - Nanindigan ang Malacañang na dapat matuloy ang May 2016 elections para sa ikabubuti ng lahat.

Ginawa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pahayag sa gitna ng agam-agam ni Comelec Chairman Andres Bautista Jr. na posibleng ma-postpone ang May 9, 2016 elections dahil sa inilabas na TRO ng Korte Suprema sa “No Bio, No Boto”.

Ikinatwiran ni Chairman Bautista na apektado ang magiging preparasyon ng Comelec sa ipinalabas na TRO ng SC.

“It is in the interest of all parties that elections push through,” paliwanag pa ni Lacierda ng hingan ng pananaw sa No Election scenario.

Sa pagiging mababa pa rin ng administration bet Mar Roxas sa pinakahuling SWS survey ay naniniwala ang Palasyo na may 6 na buwan pa upang maiharap ng mga kandidato sa mga botante ang kanilang plataporma de gobyerno.

 

Show comments