MANILA, Philippines – Ipinaalala ni Senatorial aspirant at disaster preparedness advocate Atty. Francis Tolentino ang kahalagahan ng final agreement at commitment ng mga bansang bumubuo sa Conference of Parties (COP) 21 sa France upang mabawasan ang global warming catastrophe.
Gayunman, hindi lubos na tiwala si Tolentino na papayag ang mga developing countries sa pagbabawas ng gas emissions sa gitna ng climate change. “Mahalaga ang lalabas na agreement sa COP 21 pero hindi ako sigurado kung may mangyayari sa final agreement.
Kailangan may commitment sa agreement ang industrialized or developed nations, iyung mga major player like China, United States at Europe para ma-achieve ang target to in keeping the rise in global temperatures to less than 2 degrees Celsius,” pahayag ni Tolentino.
Idiniin ni Tolentino na kinakailangan ang tulong ng lahat ng mga bansa sa buong mundo upang masolusyunan ang climate change. “Kahit pumayag tayo na babaan ang gas emissions, kung yung mga kalapit naman nating bansa like India, China na nagdedevelop, walang mangyayari sa final agreement. Dahil dinadala ng hangin ang polusyon kahit sa ibang bansa,” saad ni Tolentino sa panayam sa DZXL.
Batay sa impormasyon, tumaas na ang global temperatures ng one degree celsius simula noong 19th century at ang target ng COP 21 ay hindi na ito umangat pa sa higit two degrees celsius.
Umaasa naman si Tolentono na papayag ang mga developed countries na i-subsidize ang mga third world countries sa pamamagitan ng insurance pool upang mabawasan ang epekto ng climate change.
Iginiit pa ni Tolentino na maaring makatulong ang lahat kung pananatilihin ang mga sasakyan na laging naka-tuned up.
“Wala na tayong magagawa sa climate change. Ang kailangan na lang natin ay paghandaan ang effect nito that is why I am pushing for the establishment of Disaster Reconstruction Agency,” saad ni Tolentino.