^

Bansa

Killer ni Bonifacio, tukuyin - Atienza

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat matukoy kung sino ang tunay na pumatay sa bayaning si Andres Bonifacio.

Ayon kay Buhay partylist Lito Atienza, balak niyang maghain ng isang panukalang batas para ipanawagan ang pagbuo ng isang lupon na mag-aaral sa mga bagay na ito.

Paliwanag ni Atienza, bubuuin ang special commission ng mga kilalang guro, historian at research experts.

Bukod sa pagtukoy sa pumatay kay Bonifacio aalamin din kung sino ang nagpapatay kay Heneral Antonio Luna at maging kay dating Senador Ninoy Aquino.

Ang hakbang ng kon­gresista ay kaugnay sa paggunita sa ika-152 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon.

Paniwala ni Atienza, dapat matukoy kung sino ang pumatay sa mga ito upang malaman ng bawat Pilipino ang katotohanan sa halip na puro haka-haka lamang ang mga detalye tungkol sa pagkamatay ni Bonifacio at ilan pang bayani.

Giit nito, panahon nang tapatin ang kasaysayan at ilantad ang mga taong responsable sa kanilang kamatayan dahil ito umano ang pinakamainam na pagkilala sa kabayanihan ng past and present-day heroes.

ACIRC

ANDRES BONIFACIO

ANG

ATIENZA

AYON

BONIFACIO

BUHAY

BUKOD

HENERAL ANTONIO LUNA

LITO ATIENZA

SENADOR NINOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with