MANILA, Philippines – Kapag nabiyayaan ng anak na may naiibang kakayanan at talento ang isang magulang, ang isa sa mga hamon na kailangang harapin ay ang paghanap ng mga paraan upang siya ay lumaki ng maayos at mapalawig ang kanyang kakayanan.
Kahit ang buhay ay mistulang paligsahan na walang hangganan, hinding hindi mauubusan ng paraan ang mga magulang upang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang ito na maranasan ang kagandahan ng buhay.
Marami sa mga batang ito ang lumalahok at nagtatagumpay sa larangan ng palakasan. Sa mga paligsahan, nagagawa nilang ipakita ang kanilang tibay ng loob. Sa kanila, ang tagumpay ay hindi nakabatay sa medalya kundi sa pagbibigay ng buong sarili sa pagtamo ng isang mithiin.
Inaanyayahan ng The Child’s World Family and Friends at ng Pinoy Aspiring Runners (PAR) ang lahat na suportahan ang Speed Unlimited, isang fun run para sa mga special children.
Gaganapin ito sa January 31, 2016 sa CCP Complex. Ang mga special children ay bibigyan ng libreng race bib para sa kanilang kasamang aalalay habang sila ay tumatakbo basta’t magpakita lamang ng PWD ID (person with disability) o ID ng Special Education School na kanilang kinabibilangan.
Ang mga atletang nais sumali ay may apat na kategoryang mapagpipilian. Ang paglahok sa 1K ay P350, sa 5K ay P550, sa 10K ay P650 at sa 16K ay P800.
Maaaring magrehistro online o di kaya’y pumunta sa partner registration sites tulad ng Mizuno (Trinoma, Megamall at MOA) at Garmin (Glorietta 5). Maaari ring makakuha ng libreng race kit kung bumili ng sapatos sa Mizuno.
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang facebook page: SpeEd unLIMITed o kaya ay tumawag sa 7124722.