LTO chief pinasisibak

Ayon kay Efren de Luna, national president ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO), hindi nagawa ni LTO Chief Alfonso Tan na pangalagaan ang interes ng milyong mga motorista sa bansa bagkus ay dagdag gastusin at sakit ng ulo sa publiko tulad na lamang ng delayed issuance ng driver’s license at delayed issuance ng mga plaka ng mga sasakyan at car stickers na matagal na nilang nabayaran sa ahensiya. File photo/BOY SANTOS

MANILA, Philippines – Iginiit ng transport group kay Pangulong Aquino na ibigay na sa kanila bilang pamasko ang pagsibak kay LTO Chief Alfonso Tan.

Ayon kay Efren de Luna, national president ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO), walang ginawang maganda si Tan sa hanay ng transportasyon kundi pasakit.

Anya, hindi nagawa ni Tan na pangalagaan ang interes ng milyong mga motorista sa bansa bagkus ay dagdag gastusin at sakit ng ulo sa publiko tulad na lamang ng delayed issuance ng driver’s license at delayed issuance ng mga plaka ng mga sasakyan  at car stickers na matagal na nilang nabayaran sa ahensiya.

Sinabi ni de Luna na sa unang araw ng Dis­yembre ngayong taon ay lulusubin nila ang tanggapan ni Tan sa LTO main office sa East Avenue, QC.

Bagamat tinanggal na anya ng DOTC ang dagdag requirement na PNP at NBI clearance sa pagkuha ng driver’s license, dapat anyang hingin muna ni Tan ang saloobin ng publiko sa anumang ipinalalabas na kautusan sa ahensiya upang hindi masilat ang implementasyon sa bandang huli.

Hanggang ngayon ay milyong motorista ang wala pa ring car stickers at bagong plaka gayung nabayaran na ito noong 2014 pa ng mga car owners sa LTO.

Show comments