^

Bansa

Digong-Alan, ratsada na!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na tuloy na ang pagtakbo bilang running mates sa darating na eleksyon nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.

Matapos ang ilang beses na pagtanggi na tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa, dininig ni Duterte ang panawagan ng kanyang mga supporter na tumakbo siya bilang Pangulo ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa isang pribadong pagtitipon sa Cavite nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte na ang nakapagbago sa isip niya ay ang desisyon na ibasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case na kumu­kwestiyon sa pagiging Pilipino ni Sen Grace Poe.

“I am running for the presidency because I am so disappointed and sad sa ruling na ‘yan,” ani Duterte kaugnay sa desisyon ng SET.

Binanggit ni Duterte na una na niyang sinabi na hindi siya intresado dahil hindi naman niya kailangang tumakbo, pero dahil sa naging “laro” sa pulitika nagbago ang kanyang desisyon.

Muli namang nagpahayag ng suporta si Cayetano para sa mga kongkretong plano ni Duterte para sa bansa.

Ipinunto rin ni Cayetano ang mga nagkakaparehong layunin nilang dalawa na lumikha ng tunay na pagbabago para sa mga Pilipino, tanggalin ang korapsyon sa gobyero, at iparamdam ang gumagandang ekonomiya.

Sa mga naunang pahayag ng ilang mga political analyst para sa eleksyon sa 2016, ang tambalang Duterte-Cayetano ay magiging “game changer” at “force to reckon with” sa darating na halalan.

Kasama ng senador ang halos 5,000 mga tagasuporta ni Duterte na nagtipon-tipon nitong Linggo na tinawag na “Rock for Federalism” na ginanap sa University of the Philippines Cebu, kung saan ipinagbunyi nila ang desisyon ng alkalde na kumandidato.

“With Mayor Duterte’s inclusion in the presidential race, the Filipinos will now have a better choice come 2016…Simple lang ang choice. Natural born na mabagal, natural born na magnanakaw, o natural born na may matapang na solusyon at mabilis na aksyon. Panahon na para mamili ang tao,”pagtatapos ni Cayetano.

ACIRC

ANG

CAYETANO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

MGA

PILIPINO

SEN GRACE POE

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES CEBU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with