^

Bansa

Hirit sa Kamara Seniors ilibre na sa parking, i-exempt din sa number coding

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang panukalang batas na naglilibre sa mga senior citizens sa pagbabayad ng parking fees at exemption sa number coding scheme.

Sabi ni Vargas, napapanahon na para bigyan ng ganitong uri ng pribilehiyo ang mga senior citizens dahil karamihan sa mga ito ay retirado na.

“It is our way of recognizing their importance to us, and of showing our appreciation to them for their contribution to nation-building,” ayon pa sa kongresista.

Sa ilalim ng panukala, kahit na ang driver o pasahero ng isang sasakyan ay senior citizen ay entitled ang mga ito sa parking fee sa lahat ng establisimyento kung nakarehistro sa kanilang pangalan ang behikulong gamit.

Paliwanag pa ni Vargas, habang ang gobyerno ay kinikilala ang role ng mga nakakatanda sa nation building sa pamamagitan ng mga espesyal na benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act ay kailangan pa rin gawin komportable ang buhay ng mga ito.

Lalo na umano nga­yong lumalaki pa ang populasyon na umaabot na sa mahigit na pitong milyon senior citizens sa bansa kaya dapat na ipreserba ang values at culture gayundin pagpapalaganap ng kanilang kaaalaman at eksper­yensa sa mga bagong henerasyon.

“The least we can do is to help make their everyday transportation experience a more cost-efficient one. Panahon na para tayo naman ang mag-alaga kay lolo at lola,” giit pa ni Vargas.

ACIRC

ALFRED VARGAS

ANG

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

ISINUSULONG

MGA

PALIWANAG

PANAHON

QUEZON CITY REP

SABI

VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with