Pangalan ng kalsada bawal ng palitan

MANILA, Philippines – Ipagbabawal na ang paglilipat ng pangalan ng mga kalsada sa mga Pilipinong nagkaroon ng impact sa history ng Pilipinas

Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang House Bill 5999 na inihain ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza na naglalayong maprotektahan ang kahalagahan at importansiya ng history ng mga Filipino at society at mapanatili ang pagkakakilala dito hanggang sa mga hinaharap na henerasyon.

Paliwanag ni Atienza, nakagawian na ng mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na palitan ng pangalan ang mga kalsada bilang pasa­salamat sa nagbigay at sa miyembro ng pamilya nito.

“There have been roads named after Filipinos who have contributed much to Philippine history and culture that have been changed without a second thought,” hinaing pa ng kongresista.

Giit pa ni Atienza, hindi na ito maaaring gawin sa sandaling maisabatas ang panukala dahil mandato nito na kilalanin ng bansa ang mga Filipino na nag-contribute sa kultura at development ng bansa upang mapanatili ang kanilang alaala sa mga susunod na henerasyon.

 

Show comments