MANILA, Philippines – Nagsimula nang palawakin ng Palawan Pawnshop ang kanilang financial services menu matapos ang matagumpay na pakikipag-partner sa BDO Unibank (BDO) para sa Point-of-Sale (POS) cash service ng bangko na kung tawagin ay Cash Agad™. Sa pamamagitan ng POS cash service, mas magiging madali at mabilis na para sa mga kliyente ng Palawan Pawnshop ang pagwi-withdraw ng pera mula sa kaniling piling branches nationwide. Target ng BDO na i-rollout ang mahigit sa 500 POS terminals sa mga sangay ng Palawan Pawnshop ngayong buwang ito. “Sa nagdaang 30 taon, lagi naming hangad na magbigay ng mas mabilis at madaling serbisyo sa aming mga kustomer sa lahat ng sandali. Sa malakas na pakikipagtulungan sa BDO, kumpiyansa kami sa higit na pagsulong nito,” paliwanag ni Palawan Pawnshop president & CEO Bobby L. Castro.
Ayon naman kay BDO EVP and transaction banking head Edwin G. Reyes, “Sa lawak ng network ng Palawan Pawnshop, maraming kustomer ang magkakaroon ng access sa cash gamit ang kanilang ATM/Debit card. Aspirasyon naming magbigay ng naaangkop na solusyon sa iba’t-ibang pangangailangan ng aming mga kliyente at ang aming Cash Agad POS Service ay isa pang halimbawa ng maraming makukuhang pakinabang sa pamamagitan ng pakikipagsamahan sa Palawan Pawnshop.”