Hiling ni Petrasanta na makapag-abroad, ibinasura ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Ibinasura ng 5th division ng anti-graft court ng Sandiganbayan ang kahilingan ng dating hepe ng pulisya na si Raul Petrasanta, isa sa mga akusado sa AK-47 rifles scam, na makapunta sa Amerika sa loob ng 19 na araw.

Sa isang pahinang reso­lusyon na ipinahayag noong Nov. 6, na ang isang kopya nito ay inilabas sa mga mamamahayag kahapon, binigyan diin ng 5th division ang posisyon ng prosekusyon na nabigong mapatunayan ni Petrasanta ang pangangaila­ngan at madaling aksyon sa kanyang pag-alis ng bansa.

Sa mosyon na isinumite nito sa korte kamakakailan, hiniling ni Chief Supt. Raul Petrasanta, dating hepe ng PNP firearms and Explosive sa korte na payagan siyang makaalis ng bansa patungong Florida USA, mula November 23 hanggang December 11.

Sabi ni Petrasanta na plano niyang dumalo sa kasal ng isang closed family friend, gayundin para sumailalim sa executive check up sa nasabing bansa.

Pero tinutulan ito ng prosecution, na nagsabi na ang akusado ay nabigong maipakita ang pangangaila­ngan para maka-travel, gayundin nabigo ring ma-establish ang umano’y closeness ng pamil­ya nito sa mga pamil­ya ng ikakasal na kailangan sila para sa naturang event.

Tungkol naman sa executive check up ang naturang routine medical procedure ay maaring gawin sa bansa ng equally competent Filipino doctors at equally reputable hospital sa Pilipinas. 

 

Show comments