MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine National Railways (PNR) sa kanilang mga pasahero na bahagyang maaapektuhan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gagawin sa Maynila ang kanilang operasyon ngayong linggo.
Magpapatupad ng “Holiday Schedule” ang PNR sa mismong araw ng APEC summit sa Nobyembre 18 at 19.
Magkakaroon ng isang-oras na pagitan ang pagdating at pag-alis ng mga tren.
Susundin naman ang regular schedule sa Martes at Huwebes.
Train Schedule for Nov. 17-20, 2015
Posted by Philippine National Railways (Official PNR Page) on Thursday, November 12, 2015
Inaasahan ang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila dahil sa APEC.
Nagtalaga ang mga awtoridad ng APEC lanes sa kahabaan ng EDSA kung saan tanging may mga kinalaman lamang sa pagpupulong-pulong ng mga delegado mula sa iba't ibang bansa ang makadaraan.