P9.5B gastos sa APEC
MANILA, Philippines – Idinepensa ng APEC National Organizing Council (NOC) ang P9.5 billion na gastos ng bansa sa pag-host ng APEC Leaders’ Meeting na gaganapin sa Nov. 18-19 sa PICC, Pasay City.
Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor Jr., director general ng APEC-NOC, ang naturang halaga ay maituturing pang “decent amount”.
Aniya, halos 97 percent ready na ang Pilipinas para sa pag-host ng APEC Summit na dadaluhan ng 21 head of states at inaasahang 10,000 delegasyon.
Wika ni Paynor, ang ginawa ng Pilipinas sa paghahanda ay ginawa rin ng ibang mga bansa na una nang nag-host ng APEC meeting.
Kung maliit aniya ang ginastos ng pamahalaan ay hindi rin makukuha ang nais na resulta. Nilinaw ni Paynor na ang nasabing halaga ay hindi ginamit para sa pagbili ng equipments.
Isang taon na rin naman aniya ang paghahanda ng bansa para sa pagiging host ng APEC Summit 2015.
Malaking pinaghandaan ng bansa ay ang seguridad ng 20 world leaders at dalawang economic leaders na darating para sa pagtitipon.
- Latest