^

Bansa

Obama, Putin, 18 iba pang state heads kumpirmado sa APEC sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma nina United States President Barack Obama, Russien President Vladimir Putin at 18 iba pa ang kanilang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Pilipinas, ayon kay Cabinet Secretary Jose Rene Almendras ngayong Miyerkules.

Nauna nang kinumpirma ng Washington ang muling pagdating ni Obama sa bansa para sa APEC Economic Leaders' Meeting sa Maynila sa Nobyembre 18 at 19.

Sinabi ni Almendras na maaaring mas magtagal si Obama sa bansa kumpara sa inaasahan nila, habang hindi pa tiyak ang pagdalo ng China.

"President Putin is coming, all have confirmed basically except... we're still waiting for a confirmation from China. Everyone else is more or less confirmed already," dagdag ni Almendras sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Sa kasalukuyan ay may 21 miyembro ang APEC at ito ay ang:

  •     Australia
  •     Brunei Darussalam
  •     Canada
  •     Chile
  •     People's Republic of China
  •     Hong Kong, China
  •     Indonesia
  •     Japan
  •     Republic of Korea
  •     Malaysia
  •     Mexico
  •     New Zealand
  •     Papua New Guinea
  •     Peru
  •     Philippines
  •     Russia
  •     Singapore
  •     Chinese Taipei
  •     Thailand
  •     United States
  •     Vietnam

Samantala, nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National of Police para tiyakin ang kaligtasan ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa.

Sinabi naman ni AFP spokesperson Col. Restituto Padilla na walang banta sa seguridad ng state leaders.

Walang pasok sa eskwela at trabaho sa Metro Manila sa araw ng APEC summit, habang ang ilang trabaho sa gobyerno ay sinuspinde mula Nobyembre 17 hanggang 20.

ALMENDRAS

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BRUNEI DARUSSALAM

CABINET SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

CHINESE TAIPEI

ECONOMIC LEADERS

HONG KONG

METRO MANILA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with