Sen. Grace nabiktima ng bogus email

MANILA, Philippines – Isang bogus email ang ipinadala kahapon sa mga Senate reporters kung saan ay sinasabing umatras na sa pagtakbo bilang presidente si Sen. Grace Poe sa darating na 2016 elections.

Ang sinasabing bogus email na nagsasabing nag-withdraw na si Poe ay mula sa email account na grace_poe16@yahoo.com.

Mariing itinanggi naman ni Poe sa ambush interview sa Senado na nagmula sa kanyang tanggapan ang kumalat na email kung saan ay sinasabing umaatras na siya sa pagtakbo.

Ayon naman kay Valen­zuela Mayor Rex Gatcha­lian, spokesperson ni Poe, walang katotohanan ang kumalat na email na nagsasabing umaatras na si Sen. Poe sa presidential race.

Aniya, isang maliwanag na black propaganda ito laban kay Sen. Poe ng ilang sector na nais mawala ang mambabatas sa presidential race dahil ito ang nangunguna sa mga presidential surveys.

Show comments