Comelec nagdagdag ng puwersa sa mga botanteng maiinit ang ulo

MANILA, Philippines – Nagdagdag ng puwersa ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga deadline beaters sa voter’s registration.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maraming botanteng nagpaparehistro ang umiinit ang ulo dahil sa haba ng pila at naghahabol na makapagparehistro para makaboto sa May 2016 elections.

Sinabi ni Jimenez na nagdagdag na sila ng augmentation force para sa crowd control mula sa main office at volunteers mula sa PPCRV.

Sa NCR pinakaraming mga last minute na humahabol sa pagpaparehistro.

Nilinaw din ni Jimenez na nagbibigay sila ng priority numbers sa pila na kadalasang umaabot ng higit 200 subalit hindi naman ito maaaring gamitin sa susunod na araw. Kailangan ng mga ito na tiyagain ang pila.

Ang mga hindi naman nabigyan ng numero o chance registrants ay mas malabo nang makare­histro  kaya dapat bumalik na lang kinabukasan.

Nagdagdag din ng voter’s registration machines para sa biometrics capture sa Caloocan, Makati, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pasay, San Juan at QC para mapabilis lalo ang proseso

Aabot pa rin sa 3 milyon ang botanteng di nakarehistro o wala pang biometrics.

Show comments